Google
 

Kinagabihan, habang nagmumuni-muni si Ysay ay may narinig siyang kaguluhan sa may labas. Sina Alex pala at si tsang, nagpupumilit na pumasok upang makasama pagtulog si Ysay. Nakulitan marahil ang mga pulis kaya pinagbigyan ang mag-ina.


Hindi raw sila makakatulog dahil naiisip lang nila ang kalagayan ni Ysay kaya mas mabuti pang samahan na lang si Ysay sa kulungan. Walang iwanan ika nga ni Alex. Siyempre pa ay natuwa si Ysay.



Nagtataka naman si Albert sa biglaang celebration dinner blow-out ng kanyang inang si Victoria. Kakaiba din ang saya nito. Hinanap niya si Lima upang sumalo sa pagkain, at nakita niya itong nasa may pool.


Natutuwa naman si Lima sa pagbabago ng kanyang kapatid na si Albert.




Kahit masama ang loob, binawi na ni Venice ang titulo ng lupa ni Mito sa Maynila na naisangla niya, gamit ang singsing na pamana sa kanya.


Kinabukasan ay may bisita si Ysay - Si Andrew (Albert). Gustong tumulong ni Albert na makalabas si Ysay ngunit tinatanggihan naman ito ni Ysay. Nasigawan pa nga ni Albert si Ysay ngunit kaagad din namang humingi ng paumanhin.





Pagkakita ni Mito sa kanyag mga titulo ay kinausap kaagad nito si Venice. At katulad ng ikinatatakot ng dalaga, si Ysay pa rin ang pinili ni Mito, at handa ang binatang makipagsapalaran ulit para sa pag-ibig ni Ysay. Masakit na tinanggap ni Venice ang kanyang pagkatalo at sa huling pagkakataon ay niyakap niya si Mito.






0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!