Google
 

Sa tulong ni Andrew ay nakita nila Ysay ang isa pang painting ng kanyang inang si Rosario. Ipinakita ni Ysay ito kay tsang Trinidad. Pagkakita ni Trinidad dito ay nagbalik ang isang alaala,ngunit hindi niya ito binaggit kay Ysay.






Sa halip na matuwa ay nasaktan pa si Mito nang makita si Ysay na nakabawi na mula sa kanilang failed relationship.



Bumalik na si Alex mula sa Maynila, at inilabas niya ang kanyang hinanakit nang tanggalin siya sa banda. Agad naman siyang dinamayan nila tsang at Ysay. Kilala pala ni Albert ang manager na nagpatanggal kay Alex. Para kay Albert ay hindi maganda na nasa Maynila si Alex dahil baka may makausap si Alex na maaaring makapagbuko ng kanyang pagpapanggap.





Pero naawa naman si Albert kay Alex kaya sa pamamagitan ng isang kakilalang nangangailangan ng gitarista ay ipapasok niya si Alex. Natuwa naman si Alex sa balitang iyon. Nagpasalamat din si Ysay kay Andrew (Albert) sa pagtulong nito kay Alex.




Nang malaman ni Victoria na si Fernando (Juan Rodrigo) ang magiging photographer para sa isang project ng kanilang kompanya ay pumunta ito isang araw sa kanilang opisina. Pagkakita ni Victoria kay Fernando ay galit na pinaghahampas niya ito. Si Fernando ang naging dahilan ng pagkamatay (indirect) ng kanyang asawa. Humihingi naman ng dispensa si Fernando ngunit hindi ito tinaggap ni Victoria at pilit siyang pinapalabas ng building.







Nalaman ng ina ni Victoria ang nangyari kaya dinalaw niya ito sa tulong ni Lima. Ayaw naman siyang makita ni Victoria kaya siya ay pinapaalis. Si Andrew ang gustong makita ni Victoria. Pilit namang sinasabi ng kanyang ina na patay na si Andrew. Kaya daw nagpakamatay si Andrew ay dahil para makalaya na kay Victoria dahil mahirap daw siyang mahalin. At kung matapang daw si Victoria, ay puntahan niya si Andrew kung nasaan man ito ngayon dahil alam naman niya kung nasaan ito. Ngunit pilit na isinisisi ni Victoria kay Ysay ang pagkamatay ni Andrew.




0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!