Nag-usap ang magbestfriend na sina Andrew at Mark. Naglabas ng problema itong si Andrew, at kailangan nya ng karamay. Humingi ng dispensa si Andrew sa kasinungalingang sinabi niya noong nasa Baguio pa sila, wala naman daw iyon kay Mark. Tinanong ni Andrew si Mark kung mahal pa niya si Gillian, at kung hindi daw ba siya nagsinungaling ay baka naging sila ni Gillian. Hindi naman na ito sinagot ni Mark dahil sabi niya ay girlfriend na niya si Trish at hindi na niya dapat sagutin pa ang tanong na iyon. Sa bandang huli ay muling nagkaayos ang dalawang magkaibigan.






Hindi naman mapakali si Bernardo dahil nga naiwan nila ang isa nilang kasamahan na nabaril. Kaya binalikan nila ito, ngunit may mga pulis nang pumunta sa pinangyarihan ng krimen kaya pasimple silang lumayo dito.









Welcome na welcome pa din si Gillian kay Carla, ang naging kaibigan nito sa club na pinagbugawan sa kanya ng kanyang inang si Patria. Mabuti na ang kalagayan ni Carla.







Sa kabilang banda, naabutan ni Boy na nakahandusay ang kanyang ina kaya nanghingi ito ng saklolo sa nga kapitbahay upang madala si Patria sa opsital. Nakabawi naman ng kaunti si Patria sa ospital, ngunit sinabi ng doktor kay Boy na kailangan na madialysis ang kanyang ina sa lalong madaling panahon, dahil kung hindi ay marami pang kumplikasyon ang maaaring mangyari. Naiiyak na lang si Boy dahil hindi niya alam kung saan kukuha ng P25,000 na kakailanganin para sa kanyang ina.





0 Comments:
Subscribe to:
Post Comments (Atom)