Google
 

Isang sulat mula kay Lino (Jason Abalos) ang natanggap ni Lima.


Hindi tayo magkakilala...
pero sana mapangiti naman kita sa liham kong ito...

sayang ang ganda ng mga mata mo...
kung panaghoy lang ang lalamanin nito...
hindi ko man alam kung ano ang nagpapahikbi ng labi mo
di ko man batid ang dumudurog sa puso mo
pero alam kong may naghihintay sa loob mo
ng isang makakaramay
ng isang makakahawak kamay
papalayo man ako sayo ngayon
ibubulong ko sa hangin na dalhin ang palad ko sa iyo
para kahit sa pag-ihip nito...
maramdaman mong ako'y nasa tabi mo...




Mukhang kilala ni Victoria ang bagong photographer ni Lima. Nagulat si Victoria nang marinig ang pangalang Fernando Montalban.



Samantala after ang matagal na paghahanap ay nakita na sa wakas ni Mito si Ysay. Ngunit nalungkot siya nang makitang may kasama ito.



0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!