Google
 

Due to some technical problems, the video for Day 7 of Pinoy Big Brother Teen Edition Plus was not recorded and can not be uploaded. Sorry for the inconvenience. Read more of this article

Another twist, another first, another plus! First time in Big Brother International history, the "Senior" edition goes simultaneous with the Teen edition. Now the teens will have "Parental Guidance" as their guardians will be living nearby. You've seen the teens act by themselves, now watch them again with their guardians. How will they act?


Look at the guardians and see kung kanino nagmana ang inyong favorite teen housemate.
For Robi - Boy (Father)
For Josef - Anna (Aunt)

For Linda - Ningning (Mother)
For Jieriel - Gerry (Step-father)

For Rona - Rose (Mother)
For Nicole - Sandy (Mother)
For Beauty - Carina (Mother)

For Ejay - Erning (Father)
For Nan - My Love (Mother, and yes, that's her name)
For Jolas - Ike (Father)

For Valerie - Violy (Close friend of Valerie's Mother, acts as Valerie's second mother)

For Priscilla - Jinky (Mother)
For Alex - Minda (Mother)
For Kevin - John (Father)









Read more of this article

Simula na ng acting career ni Ms. KC Conception. After ng kanyang Maalaala Mo Kaya starring role, isang weekly series naman na kanyang katatampukan kasama sina Ai-Ai delas Alas, Rubi Rubi, Empoy Marquez at Jake Cuenca.


Ang kwento ay tungkol kay Gemma Umali, isang magandang dalaga na pinalaki ni (Ai-ai delas Alas). Hindi niya ito tunay na ina, dahil si Gemma ay ipinambayad sa kanyang kinalakihang ina para sa isang kilong lapu-lapu. Career ni Gemma ang pagsali sa mga beauty contest, ganda nga lang ang puhunan.
Isang malaking beauty pageant ang magbabago ng kapalaran ni Gemma. Sa contest na ito, judge ang paborito niyang artista, si Jeremy (Jake Cuenca).
Nang magkaharap ang dalawa, hindi nakapagsalita si Gemma sa sobrang excitement, kaya inakala ng assistant ni Jeremy na pipi ito. At iyon ang naging gimik nila, nagpanggap na pipi si Gemma.


Sa pagkakapanalo ni Gemma, naging simula ito ng working relationship nila ni Jeremy. Magkahulugan naman kaya sila ng loob?







Read more of this article

Sa pagtatapos ng Maging Sino ka Man, lumitaw rin ang katotohanang hindi sinasadya ang pagkakabaril ni Mateo kay Monique. Naunang magpaputok ng baril si Fidel, at sa gulat ni Mateo ay nakalabit nito ang hawak na baril na napaturo sa direksyon ni Monique.


Hindi kinaya ni Fidel ang mga pangyayari kaya nagkaroon ito ng nervous breakdown at nanatili sa isang mental facility.
Nakalaya na rin si Mateo makalipas ang anim na buwan.
Naging mabuting tao na ang dating kontrabidang si Corazon.
Hindi man nagkatuluyan, nagkabati naman muli sina Onay ay JB.

At sina Eli at Jackie ay makapagsisimula nang makabuo ng isang pamilya sa pagbubuntis ni Jackie.







Read more of this article

Nakausap ng Presidente ang isang nagngangalang Yung Jeung(?) (Mico Palanca) ng Dragon Triad. Siya ang nagpapakalat ng mga Noodles na nakakasira sa brain cells ng sinumang makakakain nito. Gusto ni Antonino na pagbigyan ng pamahalaan ang request ni Yung Jeung samantalang tutol dito si Fabio. Kaya daw kunin ng mga Neptune agents ang antidote, pero duda naman dito si Antonino.


Samantala laman na ng mga pahayagan ang mga noodles na kontaminado ng kemikal. Nabasa ito ng anak ng Presidente, at nabahala siya dahil ang mga bata sa ampunan ang nakakain. Maaaring ikamatay diumano ng mga bata ang kemikal na nakahalo sa noodles. Kaya naman nagdesisyon ang presidente na pumayag sa deal ni Yung Jeung.










Read more of this article

Mahiyain pala itong si Ejay. Dahil nanalo ito sa Calamansi Eating contest, isang tropical treat ang prize ni Ejay - fresh buko. Dahil marunong magbukas ng buko, si Ejay mismo ang nagtabas ng dulo nito para magkaroon ng butas. Dalawa ang buko, isa para kay Ejay at isa para sa isang special girl teen housemate na pipiliin ni Ejay. At ang binigyan ni Ejay ay si Valerie.


Natapos din ang weekly task ng two-in-one housemate na sina Robi at Josef. Isa-isang tinanong ni Kuya ang mga housemate kung sa tingin nila ay totoong mag-best buds sina Robi at Josef. Maliban sa ilan na may kaunting duda, halos lahat ay naniniwalang totoong mag-best friend ang dalawa, maliban sa isa - si Jieriel (pansinin na wala si Valerie sa mga tinanong ni kuya. Bakit kaya?).









Kaya hindi kumbinsido si Jieriel ay dahil naitanong nito minsan kung may kasama sina Robi at Josef sa controversial (at fabricated) trip nilang dalawa. Nasabi noon ni Josef na family ang kasama nila. Pero nitong huli na muling tinanong ni Jieriel ang magbest friends, sinabi ni Josef na wala silang ibang kasama. Kaya nagduda si Jieriel na maaaring kunwari lang ang pagiging best friends ng dalawa.




Read more of this article


 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!