Google
 

Narito ang mga kaganapan sa Pinoy Big Brother Season 2:

Dahil nga sa pagkaka-evict ni Wendy ay naging malungkutin si Bruce. Ang eksenang ito ay kuha sa kwarto ng mga lalaki kung saan kino-console ni Nel si Bruce. Parang sinasabing "Pare, huwag ka nang malungkot, nandito naman ako e..." Joke lang po!

Muntik nang ma-forced evict si Gee-ann dahil sa paglagpas nito sa 5 lbs. na timbang sa loob ng isang linggo. Pangatlong beses na ito, at ito ay ipinagtaka ni Mickey, ang kanyang fitness adviser maging ni kuya. NAgpakonsulta si Gee-ann sa isang OB-Gyne at natuklasang may hormonal imbalance siya, kaya mahihirapan siyang magbawas ng timbang. Kaya ligtas si Gee-ann sa eviction.



Pumasok na nga ng tuluyan ang dalawang inang housemates. Tinawag ni kuya si Bea para tulungang ma-introduce sa mga kasamang housemates ang mga bagong pasok.





Siyempre pa kapag may bagong pasok, initiation na ang pagsayaw ng Pinoy Ako.



After ng eviction ni Wendy ay bagong nomination na naman ang nangyari. Sa pagkakataong ito, dalawa ang nominado: isang lalaki at isang babae.

Ang nominado sa mga babae ay si Dionne ulit.



Si Nel naman ang nominado sa mga lalaki.


Mataas ang nakuhang nominations ni Dionne. Mukhang ayaw na talaga sa kanya ng mga housemates. Malas nya, mabigat ang kalaban niya. I'm sure mas maraming supporters si Nel dahil sa pagiging "bongga" nito. Malalaman natin yan next week.


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!