Google
 

Mahaba-habang post ito Kapamilya ha, kaya konting tyaga lang pow...

Bumalik na nga si Tina Semolic sa kanilang bansang Slovenia at nakapasok na muli sa Big Brother house doon. Wala siyang bukambibig kungdi ang ating world-renowned Filipino Hospitality. Hindi niya napigilang ikumpara ang kanilang bahay sa ating Big Brother house. Masasaya daw tayo at masisipag ang mga housemates, at ang mga task ay talagang pinagbubuti. Kung alam lang nya na nung umalis siya ay isang umaatikabong dakdakan ang naganap kina Bea at Maricris. Sayang hehe.

Pinatugtog doon ang Pinoy Big Brother themesong na Pinoy Ako at tinuruan sila ni Tina ng mga steps.

Samantala ay nagtapat na ng nararamdaman si Robert kay Saicy. Si Robert ay may girlfriend subalit matagal na silang hindi nagkikita at ramdam ni Robert na medyo nag-iba na ang feelings niya para dito, lalo na nung pumasok siya sa bahay ni kuya at naibigay ni Saicy ang mga hinahanap niya sa kanyang girlfriend. Si Saicy naman ay naguguluhan dahil nga may boyfriend siya, subalit sinabi niya kay kuya na ok lang yun sa kanyang boyfriend. Binaligtad ni kuya ang sitwasyon at tinanong kung si Saicy ang nasa katayuan ng GF ni Robert ay kung OK lang daw yun, sabi niya ay hindi.

Samantala ulit, bilang pagsisimula ng kanilang weekly task ay nagkaroon ang mga "pupils" ng flag ceremony. Pagkatapos ng flag ceremony ay nagkaroon ng exercise sa pangunguna ni Saicy.

Pagkatapos ay tinuloy ni Nel at Bea ang pag-prepare ng kanilang mga lunchboxes.

Pagkatapos nito ay ang paghahanda at pagluluto para sa summer-yenda task nila. Kasama sa paninda ay ang buko juice, banana-cue at halo-halo. Dinagsa ito ng mga tao.


Namumroblema sina Bea at Nel sa niluluto nilang banana-cue dahil hindi dumidikit ang asukal. Lagot!


Ang maiipon ay ibibigay sa Binon-an Elementary School sa Iloilo, nagkamali ako sa una kong post.


Samantala, habang nagpapahinga ay hindi naiwasan ni Wendy na magkwento ng saloobin tungkol sa pagiging "bossy" ni Mickey. Masyado na daw siguro nadevelop ang confidence ni Mickey at feeling daw ni Mickey na ok siya kay Big Brother kaya ganun na lamang ang pakitungo nito sa mga housemates. Speaking of Wendy, favorite daw ata ito ng management (o ng mga cameramen) ng PBB. Basahin ninyo ang letter na yun, at magcomment kayo kung agree kayo o hindi (ako agree).


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!