Google
 

Love story ang episode ng Maalaala Mo Kaya starring Zanjoe Marudo and Bea Alonzo. Zanjoe plays the role of a certain Emilio Pedro, a rural bank teller, who won an asian cruise for two during their christmas party raffle. Mahal na mahal nitong si Mio (Emilio) ang kanyang nanay, kaya naman ang nanay niya ang isinama niya sa cruise. Sa barko niya nakita at nakilala si Camille (Bea Alonzo), mula sa mayaman na pamilya. Isa sa mga rason kung bakit siya nag-cruise ay para may makilala na mayamang foreigner, ayon na din sa kagustuhan ng kanyang ina. Kasama niya ang kanyang pinsan sa cruise na iyon. Nagkamabutihan si Mio at Camille, at napansin ito ng pinsan ni Camille na agad ipinarating sa nanay ni Camille. Pag-balik nila sa Pilipinas, dumalaw si Mio sa bahay ni Camille, ngunit napahiya siya sa nanay ni Camille. Ganun din ang nanay ni Mio nang hinanap nito ang tinitirhan ni Camille. Dinamdam ito ni Mio. Narealize ni Camille na hindi niya dapat sundin ang gusto ng kanyang ina, at dahil mahal niya talaga si Mio ay hinanap ni Camille ang tinitirhan niya. Nalalapit na ang birthday ni Mio kaya binigyan niya ito ng cake. Nung una ay ayaw tanggapin ni Mio ang bigay ni Camille, at ayaw din niya ito patawarin, subalit nanaig ang kanilang pagmamahalan at sila ay nagkapatawaran. Sa huli ay nagsama din sila, kaya happy ending pa rin.

Enjoy looking at the cute pics of Zanjoe and the beautiful Bea, plus the lovely scenery of Asia.




















































0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!