Google
 

Super saya ang mga housemates matapos makalabas si Dionne nuong nakaraang eviction. Ngayon lang naging masaya ang bahay after may natatanggal na housemates. Talagang favorite nila si Nel.

Dahil sa tuwa ni Nel ay nagyaya itong magswimming. Mahilig pala itong mag-brief lang kapag magsiswimming, kaya natuwa na naman si kuya kay Nel at pinagsuot niya ito ng one-piece swimming suit.



Samantala ipinakilala ni kuya kay Robert ang batang matutulungan niya kapalit ng kanyang pagtanggal ng kilay. Isang batang may cleft lip ang matutulungan ni Robert at ang operasyon ay gagawin sa Belo Medical Center. Sosyal di ba.



Samantala isa na namang twist ang magaganap sa bahay ni kuya. Ang mga dating housemates ay muling papasok sa bahay ni kuya. Apat sila na babalik at maninirahan sa loob for one week, afterwhich ay dalawa sa kanila ang aalis muli. Audience ang mamimili kung sino ang matitira, at ang dalawang may pinakamaraming votes ang mananatili sa loob ng bahay. Ang apat na balik bahay housemates ay sina Kian, Jasmine, Wendy at Ezekiel.


Sila ay maninirahan sa secret room ni kuya na ang pinto pala ay nakatago sa may confession room. Kailangang hindi sila masyadong maingay para hindi sila marinig ng iba nilang housemates.





0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!