Google
 

Tatlo ang nominated ngayong linggo sa Pinoy Big Brother Season 2. Muntik na ngang ma-automatic nomination ulit si Gee-ann dahil lumagpas na naman ito sa 5 lbs. sa kanilang weekly weigh-in. Subalit pinagbigyan silang lahat ni kuya dahil na rin sa madalas na kainan nila nung kasama pa nila si Tina from Slovenia. Ngunit sinabi din ni kuya na yun na ang huling pagkakataon, dahil pangatlo na ito dapat ni Gee-ann, at ang tatlong beses na pagkaulit ng isang violation ay hahantong sa isang forced eviction.


Si Wendy ay automatically nominated dahil sa hindi sinasadyang pagka-off ng kanyang lapel microphone. Si Dionne naman ang nakakuha ng pinakamaraming nominations mula sa kanyang mga housemates. Samantalang si Saicy naman ay nabigyan ni Mickey ng "halik ni hudas".





Si Mickey ang nakatanggap ng 13th call mula sa big red phone na nasa loob ng bahay, at binigyan siya ng dalawang halik "powers" na kung saan ang hahalikan niya ay automatically nominated. Ang isa at una nyang hinalikan ay si Dionne, sumunod si Saicy. At para hindi makahalata ang iba, lahat ay hinalikan ni Mickey.



1 Comment:

  1. mae said...
    hi po sa ABS ang ganda ng pbbteen edition plus may nag sabi na laos nadaw ang ABS hndi po yon 22o mas laos ang GMA noh, hndi cla nakalahati ng ratings nyo kaya kahit anong sabihin nla wag kayo mag patalo GO,GO,GO kapamilya ako po pala c evan taga iligan po I'M PROUD TO BE KAPAMILYA..........

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!