Google
 

Tuluyan na ngang natapos ang Book 1 ng Maging Sino Ka Man. Yes. May Book 2 pa. Obvious naman kasi biglang lumitaw si Rosanna Roces (yes ulit, buhay pa ang career nya) kasama si Angelica Panganiban sa kasal nila Eli at Jackie. Si Rosanna Roces ang babaeng naninigarilyo na hawak ang picture ni Eli bago ito ipapatay. Ano ang kanyang kinalaman dito? Malalaman natin sa Book 2 ng Maging Sino Ka Man.


Nabanggit ko bang ikinasal sila? Yes, ikinasal nga sila, at yes nabuhay si Eli. Ang gusto ko pa naman e mamatay si Eli para kakaiba naman ang ending ng mga pinapanood natin di ba? But eniweys tinanggap na ni Eli ang kanyang kapalaran (na siya ay patay na) kaya nagpaalam ito kay Jackie (na siyempre hindi naririnig ni Jackie, ngunit naramdaman niya sa pamamagitan ng gentle breeze, na parang me multong dumaan hehehehe). Kaya tumalon na si Eli sa talon, tanda ng pamamaalam sa lupa.


Sandaling nawalan ng heartbeat si Eli, kaya naman nguyngoy to the max si Jackie dahil akala niya ay patay na ito. After a few minutes, bumalik ang heartbeat ni Eli, at siya ay muling nabuhay.









Kaya ung proposal na kasal ni Eli nung gabing bago siya binaril ay nauwi siyempre sa kasalan. Imbitado sana si Corazon (no screen caps) ngunit isa na siyang battered wife sa kamay ni Tomas. Narito ang mga pictures ng kasal nila Eli at Jackie.
















At ang pagwawakas ng Book 1 ay siya namang panimula ng Book 2 sa biglang paglitaw ni Rosanna Roces kasama si Angelica Panganiban. Kita kits tayo sa Book 2 ng Maging Sino Ka Man.



0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!