Google
 

Dahil nalaman nilang nakakasama ang gamot na iniinom ni Jo para sa ipinagbubuntis niya, at dahil ayaw makinig sa kanila ni Brigida, naisipan nila Flor at Rene Boy na itakas na lamang si Jo. Sumama sa plano nila si Wilma dahil naisip nitong hindi naman talaga mahal ng kanyang mamita ang kanyang nanay. Humingi ng tulong sina Rene Boy kina Mang Tibor para maitakas si Jo.



Ganito ang naging takbo ng plano nilang pagtakas ayon na rin sa pagsubaybay ni Rene Boy sa araw araw na gawain ng mga tao sa kanilang bahay. Nung hapon ay inilabas ni Wilma si Jo para makakuha ng hangin at makita ang sunset. Gusto sana sumama ng nurse ngunit tinakot ito ni Wilma na isusubong sa kanyang mamita.


Nailabas nila si Jo sa garden. Kapag oras na ng panunuod ng TV ng mga katulong, sisirain niya ang connection ng cable. Kapag nasira ang connection, syempre tatawag ng cable repair. Si Rene Boy na ang nagpresinta na tumawag. Ang tinawagan niya ay ang kanilang kasabwat na si JC, na nagpanggap na driver.


Kapag oras na ng pagkain ng mga guwardia, ay saka nila dadalhin si Jo sa van ng cable repair, at saka sila sabay sabay na tatakas.




Abangan natin sa isang linggo ang eksena kung saan si Leo ay buhay pa!

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!