Google
 

Tinulungan ng babaeng nagligtas kay Leo na itakas siya dahil may hindi magandang balak ang kanyang ama dito.


Samantala, bilang isang magandang gesture sa mga bata, pinalaya na ni Gary sina Mang Tibor, ngunit may restraining order na bawal silang lumapit kina Flor.



Sinabi ni Gary sa mga bata na pinalaya na niya sina Mang Tibor dahil sa pagmamahal sa kanila, ngunit hindi naman kumbinsido ang mga bata.


Nakarating na si Leo sa bahay nila General Torres upang makahingi ng tulong. Gusto din niyang makita ang kanyang pamilya.



Samantala, isa pang rebelasyon ang naganap nang marinig ni Wilma ang usapan nila Brigida at Flor tungkol sa totoo niyang pagkatao. Labis na ikinasama ng loob ni Wilma ang malamang ipinampalit lang siya sa sanggol ni Jo na namatay sa kapabayaan ng kanyang mamita.




At dahil sa labis na sama ng loob, lumayas ito ng bahay. Nag-iwan naman ito ng note kay Flor bilang pasasalamat sa kabutihan na ipinakita sa kanya at sa pagturing na parang tunay na kapatid.






0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!