Google
 

Bumalik na nga sa bahay ng mga Alicante si Jo. Tuwang tuwa ang mga bata at si Leo, lalo na ng malaman niyang magkakaroon na sila ng anak ni Jo.


Samantala, nalungkot at naghinagpis si Carlos Alvarado (Johnny Delgado) sa balitang pagpapakamatay ng kanyang isang anak. At dahil sa takbo ng pangyayari at siguro ay nararamdaman na niya na maaaring hindi na siya magtagal ay gusto na niyang makipagbati kay Leo at makita ang pamilya nito. Pinuntahan niya ito sa kanilang bahay ngunit ayaw makipagbati ni Leo sa kanyang ama. Nalungkot naman ang mga bata dahil gusto na rin nilang makilala ang kanilang lolo.


Pero pumunta din sina Jo sa dinner na ihinanda ni Carlos. Kasama niya ang mga bata ngunit wala si Leo. Tuwang tuwa naman ang mga bata at siyempre ang lolo.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!