Google
 

Galit na galit at disappointed si Ariston sa ginawa ni Noel. Nagalit si Noel kay Agnes dahil sa pagtanggal ng picture ng kanyang ina at pagpalit ng ibang larawan (ala Flordeluna), na utos naman pala ng kanyang ama. Hindi alam ni Noel na may karamdaman si Agnes (gayundin si Ariston) at inatake nga ito na naging sanhi upang madala siya sa hospital.


Ngunit hindi naglaon ay nagkabati din ang dalawa. Humingi ng dispensa si Noel kay Agnes dahil hindi naman nito intensyon na masaktan ang kanyang tita Agnes.



Ngunit dahil sa galit ni Noel sa kanyang ama ay nagrebelde ito. Nag-gala, uminom, at nag-uwi ito ng babae, na inabutan ni Ariston nung umaga. Nasampal nya si Noel at nauwi sa mainit na diskusyon. Napagpasyahan ni Ariston na kung hindi kaya ni Noel ang kanyang mga alituntunin sa bahay ay mabuti pang umalis na lang siya.


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!