Google
 

Isang mainit na pagtatalo ang naganap sa pagitan nila Carlos at Gary. Naabutan ito ni Leo na pumunta sa bahay ni Carlos para makipag-bati sana, ngunit narinig niya ang masamang plano sa kanya ni Gary. Naging mabilis ang pangyayari at binaril ni Gary si Leo. Nagalit si Carlos kay Gary, nagpanlaban ang dalawa at aksidenteng nabaril ni Gary si Carlos, na ikinasawi ng huli. Pati ang guard na sumaklolo ay binaril na rin niya.







Mabilis na nakapag-isip si Gary at nilinis lahat ng ebidensyang maaring magturo sa kanya. Binago niya ang mga ayos ng baril upang maiba ang istorya at malihis ang magiimbestiga sa maaaring pagkakasangkot ni Gary sa nangyari.




Siya namang dating ni Brigida sa bahay ni Carlos, at nakita niya ang mga nakahandusay na bangkay. Dahil dito ay na-black mail siya Gary at ginawa siyang witness.


Naisugod pa si Leo sa ospital at buhay pa ito. Siya lamang ang tanging makakapagsabi sa totoong nangyari.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!