Google
 

Galit na galit na sinugod ni Mendez si Hugo nang malaman ang nangyari sa ama nito. Tangka sana nitong patayin si Hugo, ngunit nanaig pa din ang pagtitimpi.



Pinuntahan na ni Mendez ang Attorney ng kanyang ama upang i-claim ang mga naiwang ari-arian, ngunit hindi ito nagpakita kay Mendez. Ang secretary naman nito ay ipinaalam kagad ang pagpunta ni Mendez, ang balitang ito ay nakarating din kagad kay Rose, na nuon ay kausap si Hugo.




May hinahanap sa study room ni Hugo si Carissa nang pumunta duon si Hugo at Rose. Pinagusapan nila si Mendez at kung paano nila ito ililigpit. Sinabi din ni Rose kay Hugo ang naging nakaraan ni Carissa at Mendez noong si Carissa ay mukhang unggoy pa. Narinig itong lahat ni Carissa.




Nagalit si Hugo sa nalamang relasyon ni Carissa at ni Mendez, kaya ikinulong siya ni Hugo.







Humingi naman ng tulong si Carissa kay Yaya na ipaalam kay Mendez ang plano nila Hugo laban sa kanya.



Ngunit huli na dahil nanduon na pala ang taong papatay kay Mendez.




0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!