Google
 

Isang bracelet (?) ang ibinigay ni Robert kay Saicy. Parehong nominado ang dalawa at naiisip nila na maaaring isa sa kanila ang ma-evict, at tuluyan na silang magkakalayo.


Napanisan ng pagkain ang mga housemates dahil marami silang niluluto ngunit hindi naman nila nauubos. Bilang parusa, pinatanggal ni kuya LAHAT ng pagkain sa kitchen.


Isang task naman ang pinagawa ni kuya sa mga babaeng housemates. Lahat sila ay magpapanggap na buntis, ito ay para maranasan nila kung paano mabuntis.





Isang exercise ng mga buntis ang ipinakita ng mga babaeng housemates sa mga lalaking housemates sa pangunguna ng totoong mommy at nakaranas nang mabuntis na si Mommy Yen.






Nang matapos ang buntis exercise ay ang mga lalaki naman ang nagpanggap na buntis.



Kinagabihan, dahil walang pagkain sa kusina, nagpadala ng hapunan si kuya. 8 kanin, 8 tuyo at isang pirasong kamatis. O di ba. Super fasting. At least walang mapapanis for sure.


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!