Google
 

Lumalala ang girian ng dalawang babae sa buhay ni Dr. Hugo. Marami na silang bagay na hindi napagkakasunduan... At naninibago si Morita sa mga ikinikilos ni Alicia (Carissa), baka makahalata ang hitad... hanggang kailan kaya ito maitatago ni Carissa?





Samantala sa pag-aayos ni Hugo ng kanyang mga files ay hindi naiwasang makita niya ang file ng kanyang unang "taong unggoy" na inoperahan, si Candelaria, kapatid ni Carissa. Hindi siya nagtagumpay sa operasyon niya dito at ito ay namatay. Itinapon niya ang bangkay sa ilog.


Samantala, habang tumatagal ay nahuhulog na ang loob ni Dr. Hugo kay Carissa. Ipinagtapat niya ito kay Carissa, na pilit siyang iwinawaksi.


Nagalit naman si Dr. Hugo kay Morita dahil sa sinabi ni Carissa kay Hugo na may nabanggit si Morita tungkol sa kung may iba itong babae habang nawawala si Alicia.


Nagpro-pose muli ng isang kasal si Dr. Hugo kay Alicia (Carissa) sa harap nila Morita at Rose. Para sa dalawa, maaaring ang tingin nila dito ay renewal of wedding vows dahil nga si Alicia ay nawala ngunit muling dumating, pero para kay Carissa isa itong pagbibigkis nilang dalawa ni Hugo, na siya lamang nakakaaalam sa operasyong naganap kay Carissa na naging si Alicia.


Gaganapin ang kasalan sa resort na pag-aari ng mga Ponce, na kung saan ay nagtatrabaho si Mendez. Magkikita na ang dalawa sa wakas, subalit maaaring hindi makilala ni Mendez si Carissa dahil nga iba na ang mukha nito.


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!