Google
 

Nagkita na sa Lumeria sina Mythos at Selene. Sa tuwa ni Selene ay dinala niya ito sa kanilang bahay upang makita ng kanyang inang si Naya. Natuwa naman si Naya sa pagkikita nila ni Mythos, at nalungkot din sa balitang namatay na si Deinara sa sunog sa Vesta.

Samantala ay natuloy na ang sagupaan nila Creon at Juris. Maganda ang mga fight scenes at mahirap kuhanan ng mga pictures kasi ang bilis ng mga kilos nila (or pinabilis ang takbo ng frames kaya mukha silang mabilis, remember digitally mastered ang seryeng ito). Nung umpisa pa lamang ay humingi na ng tulong si Creon kay Venom, subalit magaling talaga si Juris kaya natalo niya si Creon, subalit sa hindi inaasahang pangyayari ay napatay niya ito.


Sa pamamagitan ng isang robot na ibon ay natunugan sila ni Cadmus at pinuntahan sila sa lugar kung saan sila naglaban. Ngunit huli na ng kanyang puntahan ang mga ito dahil patay na si Creon. Nagalit ito kay Juris na nuon ay ipinagtapat na din ang namamagitan sa kanila ni Aura. Kaya siya ay paparusahan sa salang pagpatay at sa paglabag sa batas ng mga Rounin.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!