Google
 

Nagsimula na ang bagong KoreaNovela na aabangan ng mamamayan, ang "Which Star Are You From?". Pinagbibidahan ito nila Kim Rae-Won (Attic Cat) at Jeong Ryeo-Won (My Name is Kim Sam-Soon).

Mabilis ang naging takbo ng istorya. Ipinakita kung paano nakilala ni Choi (Kim Rae-Won) si Lee sa isang launch party sa Australia. Dito na nagsimula ang kanilang matamis na samahan, hanggang isang araw na nag-propose ito ng kasal ay naaksidente ang kanilang sinasakyan.







Hindi naging madali ito para kay Choi, at naapektuhan ng husto ang kanyang karera. Pinilit na lang siya ng kanyang partner na si Han (Park Shi-Hoo) na bumalik sa trabaho at gumawa ng isang music video.



Nagpasiya na si Choi na kalimutan si Lee. Hanggang sa hindi inaasahang pangyayari sa isang palengke ay may nakita siyang kamukha ni Lee.





Sinundan niya ito sa bus, ang hindi niya alam ay napakalayo ng bahay nito.Napilitan si Choi na kausapin itong kamukha ni Lee. At dahil wala namang motel na malapit, nagpresinta itong si Ana (ang kamukha ni Lee, na si Jeung Ryeo-Won din) na tumuloy sa kanilang bahay (kailangan din nila ng pera).




Walang kaalam-alam itong si Ana na isang direktor ang kaharap niya. Hindi rin ito binanggit ni Choi sa kanya.



Hanggang sa isang araw ay duon na ngshooting itong sina Choi ng kanilang music video. Dito na nalaman ni Ana na isang direktor pala ang taong minsan ay sinabihan niyang wlang trabaho at naghihintay lang na makapasa ng exam.






0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!