Google
 

Isang AngTV episode ang nangyari sa bahay ni kuya. Ito palang si Bodie ay naging cast nitong defunct Kiddie Gag show ng ABS -CBN dati. Hmmm... nanunuod ako niyan dati at hindi ko siya matandaan...


Picture ni Bodie nung bata pa siya. Nakasuot daw siya ng isang dwarf costume.





Nag-enjoy naman ang mga housemates sa panunuod ng Ang TV special featuring Bodie. Si Bodie lang ang hindi nag-eenjoy. Hehe. Kakahiya nga naman.





At dahil tuwang tuwa pa din ang mga housemates sa kanilang napanuod, nag-trip ang dalawang luko-luko na sina Nel at Kian. Nag-esmyuskee show sila...




Samantala, mapapansin nyo na may linya sa sahig ng bahay ni kuya. Ito ay may kinalaman pa rin sa hati house task ni kuya. Maaring magstay ang mga lalaki sa blue line area, sa red line naman ang mga babae.



Kamusta naman mag-trip si kuya, di ba? Torture kina Bruce at Wendy, at Robert at Saicy ito. Konting dyeta daw mga housemates.







Samantala pinaglabanan naman ng mga housemates ang teritoryo sa labas. Una ay ang swing area, na pinaglabanan sa pamamagitan ng pagtawid sa ilalim ng tulay sa may swimming pool. Nanalo dito ang mga girls. (No screen caps)

Samantala, napanalunan naman ng mga boys ang swimming pool territory sa pamamagitan ng isang ball-shooting game. Siyempre boys ang mananalo jan, basta something to do with balls. (No pun intended, hehe)













0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!