Google
 

Pinapili ni Shirley si Mendez kung sino sa kanilang dalawa ni Carissa ang pipiliin niya. Ang sabi ni Mendez "Dun na ako sa maganda." sabay punta sa tabi ni Carissa. Taray! Haba ng hair ng lola nyo!





At naging mas close nga ang dalawa. Ngunit dumating ito sa punto kung saan nilinaw ni Carissa kay Mendez ang namamagitan sa kanila. Inamin ni Mendez na maging siya ay naguguluhan, subalit basta kasama niya si Carissa ay masaya siya. Talaga naman, ahahay!





Samantala, sinabihan na si Dr. Hugo ng mga ngse-search and rescue na ititigil na nila ang paghahanap kay Alicia at ipe-presume na lang nila na patay na ito. Hindi ito matanggap ni Dr. Hugo, kaya naman lalong tumindi ang pagnanais nitong makita ang "taong unggoy" na si Carissa, na wala siyang kamalay-malay ay nagtatrabaho sa kanila bilang katulong.


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!