Google
 

Tinesting ng mga housemates ang ginawa nilang mga bangka sa La Mesa Ecopark. And talaga namang na-enjoy nila ito. Swerte nila, nakalabas sila ng bahay ni Kuya. Si Bodie, naiwan dahil may ipinapagawang puzzle sa kanya si kuya. Ang premyo nito ay para sa anniversary ng kanyang mga magulang.





Sa pagtatapos ng boat task ay siya ding pagtatapos ng hati house task, kaya tuwang tuwa ang mga housemates dahil muli ay pwede na silang mag-sama sama.




Siyempre pa hindi ito palalagpasin nila Wendy at Bruce.


Samantala dahil miss na miss na ni Nel ang kanyang pamilya, isang espesyal na task ang ipinagawa ni kuya kay Nel. Kailangan niyang mag-igib ng 126 na container ng tubig sa swimming pool. Kapalit nito ay 126 na purified water para sa kanyang pamilya sa Iloilo. After ng task na ito, ay nakita niya ang kanyang mga kapatid.









Matapos mag-igib ng tubig, isang masahe naman ang reward na ibinigay ni kuya kay Nel. Ang magbibigay ng masahe ay walang iba kungdi ang kanyang tatay. Medyo nahuhulaan na nga ni Nel na ang tatay niya ito.



Sa confession room, duon na nagkaroon ng pagkakataon na makausap ni Nel ang kanyang tatay for 126 seconds. Lumagpas pa nga e. Ang mga medal ay ang awards ng kanyang kapatid na nagtapos at nag valedictorian ngayong school year.












0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!