Google
 

Natuloy na ang kasal nila Hugo at Alicia. Tinanggap ni Alicia si Hugo at sila ay nag-isang dibdib "muli". Walang kamalay-malay si Mendez na ang ikinakasal ay si Carissa.





At sa kagustuhan ni Carissa na makaganti kay Mendez, kung anu ano ang iniutos nito sa kanya. Pinakuha niya ito ng soup ng pabalik balik, na dahil sa inis ni Mendez ay nilawayan ito (no screen cap).





Kinaumagahan, habang nagsa-sun bathing si Morita ay nagpalagay ito ng sun block kay Mendez. Tiyempo naman na napadaan sina Hugo at Alicia (Carissa). Nang makita ito ni Carissa ay inutusan nito si Morita na asikasuhin ang mga ipinapagawa nitong papeles, at inutusan naman si Mendez na payungan silang mag-asawa. O di ba, nagseselos ba o sour grape?









Nagkasalubong naman si Aling Azon at si Mendez sa hagdanan at gusto siyang kausapin ni Mendez. Ngunit dahil nga nagagalit si Aling Azon kay Mendez ay hindi niya ito kinausap ng matino, bagkus ay pinalabas pa nito na nagpakamatay si Carissa dahil sa sama ng loob nito kay Mendez.




0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!