Google
 

Grabe talaga ang obsession ni Cynthia kay Noel. Dinaig pa ni Noel ang isang artista na may super obsessed fan. At over din sa pantasya itong si Cynthia. May scrap book na ito na may baby pictures, mga baby daw nila ni Noel. Grabe.




At dahil malinaw na ang lahat sa pagitan nila Melanie at Noel, nagpadala si Noel ng bulaklak kay Melanie. Nakita ito ni Agnes, at pinalabas ni Melanie na galing ito kay Ronald.

Ngunit isang araw ay dumalaw si Ronald sa bahay nila Melanie, at nabanggit ni Agnes ang tungkol sa bulaklak. Sinabi naman ni Ronald na wala siyang binibigay na bulaklak.


Kaya sinugod ni Agnes si Melanie. Sa huli ay umamin si Melanie na kay Noel nga galing ang bulaklak at mahal na niya ito.



Samantala, narito ang ilang pics ni Noel (Piolo) habang "nagsasayaw" (eh para lang naman nage-aerobics hehe). Nakakatawa siya actually. Nagmukhang tanga siya diyan... no offense sa mga fans!



0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!