Google
 

Pumasok na nga ang Globe housemate na si Hanna sa loob ng bahay ni kuya. Isang special task ang ipinagawa sa kanya - magpapanggap siyang buntis. Ang hindi niya alam ay alam ng mga housemates na hindi siya buntis, maliban kay Jasmin. Si Jasmin, isang nurse, ay nakakahalata na hindi nga buntis itong si Hanna.


Si Jasmin naman, matagumpay ang kanyang pagbabalik bahay dahil nagawa niyang humingi ng patawad sa mga housemates na nakasamaan niya ng loob . Hindi katulad ni Zeke na nagdagdag pa ng isang housemate na naiinis sa kanya - si Mommy Yen. Nagkaroon ang dalawang ito ng hindi magandang conversation na nauwi sa palitan ng sarcastic statements.








And sa wakas, ang dalawang pinili ng taong bayan na muling magbalik sa loob ng bahay na sina Kian ay Wendy ay tuluyan na ngang papasok sa loob at makakasama na ang kanilang mga housemates - of the same gender. Tama, isang task ang ibinigay ni kuya (parang house rule) na bawal makipagusap sa mga housemates of the opposite gender. Kaya ang mga babae ay sama-sama kagabi sa kanilang kwarto at ang mga lalaki ay sama-sama din. Nalungkot si Bruce sa task na iyon, excited pa naman siya dahil muli na naman niyang makikita si Wendy.


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!