Google
 

Nagugulat ang mga housemates sa mga nangyayari sa kanilang kusina nung sila ay nagsipag-gising. Pag-gising nila ay may nakahanda nang almusal, at kilala nila ang pagkakaluto ng mga pagkain. Kaya naman lalong lumalakas ang kanilang mga hinala na ang mga dati nilang kasamahan ay maaaring nasa paligid lamang...




Isa itong eksena sa pool matapos silang makapag-laro ng cards. Binigyan kasi ni kuya ang mga housemates ng cards na maari nilang pagkalibangan. Hala e ka-sweet naman ni Nel at Bruce... Naka-angkla pa yan ha, with kiss pa on the shoulders si Nel kay Bruce! Josh ko... anu ka ba talaga kuya?

Pakbet naman ang niluto ng mga balik bahay housemates para kay Gee-ann nung hapunan.





Sa isa nilang task, "aksidente" daw na nahalikan ni Nel sa labi si Bea nung nahulog ang bola na nasa pagitan ng kanilang mga labi. Itong si Nel, tuwang tuwa pa sa nangyari at may-i kwento pa sa mga tropa niyang boys. Si Bea naman, todo tanggi ever kay kuya, at ayaw nitong isipin na maaaring sinadya ito Nel para "makatsansing".


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!