Google
 

Narito ang mga pics ng special task ni kuya na dance showdown ng Samba Queen na si Saicy at ng Hiphop King na si Mickey.













Ibinigay na ni Gee-ann ang kanyang mga "babies" sa isang batang may physical deformity since birth, si Kyla De Jesus. Malungkot na malungkot si Gee-ann ngunit ang hakbang na ito ay talaga namang makabubuti para kay Gee-ann para makapag-build siya ng self-confidence at makapag-move on. Nakapagpaligaya pa siya sa kanyang mga ibinigay na dolls.









Isang task naman ang ibinigay ni kuya sa mga housemates na ang kapalit ay ang pag-lift ng parusa sa mga housemates na umuhi sa garden. Kailangan nilang magsiksikan sa isang maliit na kotse at magtatagal sila sa loob hanggang sa hudyat ni kuya. At dahil sa unity ng mga housemates ay talaga namang napabilib si kuya kaya tinanggal na niya ang arinola punishment sa mga violators.



Init na init ang mga housemates sa loob, makikita nyo ang namuong moisture sa windshield ng kotse.

Matapos ang isang oras ay nagpalabas si kuya ng isang housemate para medyo lumuwag ang loob ng kotse. Si Bodie ang pinakahuling pumasok kaya siya na rin ang lumabas. Para makatulong sa mga housemates ay pinaypayan ito ni Bodie para magcirculate ang hangin.



Pawis na pawis ang mga housemates pagkalabas.

At natanggal na nga ang dalawang balik-bahay housemates na may pinakamababang boto, yan ay sina Ziek at Jasmine.


Kung titignan nyo ang percentage ng votes, napakarami ang bumoto para kay Wendy. Wow. Pinakamalaki sa kasaysayan ng Season 2 ng PBB.

Samantala si Ziek ay pinagbigyan ni kuya ng isang magdamag na pag-stay sa loob ng bahay ni kuya para ayusin ang mga bagay na hindi nito naayos nung siya ay lumabas ng bahay. Kung ano man yun, abangan na lang natin.






0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!