Google
 

Pinarusahan ni kuya sina Nel, Bruce, Saicy at Bea dahil sa pag-ihi ng mga ito sa garden. Si Nel lang naman talaga ang nahuli, dahil huling huli sa camera ang ginawa nitong pag-ihi. Dinamay lang niya ang tatlo, na kaya naman hindi nahalata ni kuya ay dahil umihi sila habang pinapaliguan nila ang kanilang sarili sa pamamagitan ng hose. Di ba mandamay pa daw?



Ang parusa ay maglagay ng patung-patong na arinola sa ulo (wala namang lamang ihi). Una ay magpapaikot-ikot sila sa garden. Ang pangalawa naman ay mag-sasayaw sila.



Samantala isang body painting task ang ipinagawa ni kuya sa mga housemates. Ipipinta nila ang kanilang emosyon. Mga balik bahay housemates ang nauna. Sumunod ang mga regular na housemates, yun nga lang ay naka-blind fold sila. Gagabayan sila ng mga balik bahay housemates, sila ang magbubuhos ng pintura sa mga nakablindfold nilang kasamahan. Siyempre pa si Wendy ang kapartner ni Bruce.













Grabe, ang ganda ng katawan mo pareng Bruce... hehehe.


Damang dama mo ang pagmamahalan ng dalawang ito... sa tingin pa lang ni Wendy, at sa pagpinta ni Bruce, may iginuhit pa siyang puso, at isinulat ang pangalan ni Wendy. Love daw ang emotion na nadarama ni Bruce habang ginagawa ang painting. Wooow... sweeeettt!!!




0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!