Google
 

Nagtrabaho bilang cook sa shooting ng music video ni Jeremy Choi si Anna.

Isang araw ay dinalaw ni Jeremy ang bahay nila Anna, ngunit wala pa pala ito at nasa palengke. Umuulan noon kaya nangangamba ang nanay ni Anna. Nagpasiya si Jeremy na sunduin ito. Hiniram niya ang sasakyan ni Jojo Park ngunit hindi pa siya makapagmaneho ng maayos dahil sa trauma nang maaksidente sila ng kanyang namatay na nobya. Kaya si na lang ang sumundo dito.

May love triangle palang namamagitan kina Jeremy, Jojo at Corine. May gusto pala itong si Jojo kay Corine at magpopropose sana ito. Ngunit naunahan na pala siya ni Jeremy. Ngayon, sa katauhan ni Anna ay muling nabubuhay ang pagtingin nito sa namayapang si Corine .







Inalukan ni Jojo si Anna ng trabaho sakaling mapupunta siya sa Seoul. Natuwa naman ang dalaga.



Samantala, isang araw ay nagkakwentuhan itong si Anna at Jeremy. Tinanong ni Jeremy si Anna kung ano ang kanyang comment sa mga shooting na napanuod niya. Hindi naging katanggap tanggap ang sagot ni Anna kay Jeremy kaya nasabihan siya nitong mayabang.




0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!