Google
 

Nagtatrabaho na bilang bartender si Noel sa Australia, subalit sinusundan pala siya ni Cynthia. Isang beses ay nakita ni Cynthia si Noel na "nilalandi" ang mga customers, kaya naman sa selos nito ay nilusob niya ang mga ito at inaway.



Sa nangyari ay naisipan ni Noel na lumipat na lang ng bahay ngunit pinipigilan siya ni Cynthia.


Nakakatuwa naman ang mga girian ng bagong katulong nila Ariston na si Moody (Candy Pangilinan) at ni Ceding. Naiinis si Ceding sa pagkamayabang ni Moody at feeling may-ari ng bahay, telebabad pa sa telepono minsan. Isang gabi ay nagluto si Moody ng sinigang na isda ngunit maanghang ito at maalat. Mukhang sinabotahe siya nila Melanie at Ceding. Kaya naman nagalit ito. Ayaw naman siyang patulan ni Ceding dahil magkaiba daw ang kanilang level. O di ba taray ng mga katulong.





0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!