Google
 

Tuluyan na ngang pinaalis ni kuya sa loob ng bahay si Maricris dahil sa hindi nito kayang pigilan ang sarili kapag nagagalit. Naging malaking banta ito sa seguridad ng mga kapwa niya housemates kaya siya ay na-forced evict. Ang grounds ng kanyang eviction ay tungkol sa violence in any form. Matatandaan na nakapagbitiw ito ng salita sa garden na "Baka masaksak ko si Bea" at ito ang ikinabahala ni kuya. Pati na din ang pananakit ni Maricris sa sarili ay isinama sa form of violence.

Ngunit pinag-usap muna ng maayos ni kuya ang dalawa.

Unang ibinalita ni kuya sa tatlong lalaking housemate na malapit kay Maricris ang desisyon niyang paalisin ito - kay Nel, Bodie at Mikey. Siyempre pa ay naging mahirap ito para kay Nel na hindi napigilan ang umiyak.


Inutusan ni kuya ang tatlo na pasayahin si Maricris sa nalalabi nitong oras sa loob ng bahay, na siya naman nilang ginawa pagkalabas ng confession room.



Samantala sa kwarto ng babae ay nagkaroon ng pagkakataon na magkausap ang dalawa. At dito ay nagkabati na sila.



Dumating din ang oras upang ipaalam ni kuya kay Maricris ang kanyang desisyon. Kahit ganun si Maricris, nakakaawa siya dahil napamahal na siya sa mga housemates at ayaw din niyang lumabas ng bahay.













Sama-samang natulog ang mga housemates sa may sala dahil pagdating ng umaga ay aalis na si Maricris. Hindi iniwan ni Nel si Maricris hanggang sa huling nalalabing oras ng huli sa loob ng bahay.



Isang madamdaming pamamaalam ang naganap pagsapit ng umaga. Isang malungkot at takot sa tatay na Maricris ang lumabas ng bahay ni Kuya...








1 Comment:

  1. Anonymous said...
    im not an avid fan of that show but one thing that i can say is that i prepr to watch ABS-CBN that GMA

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!