Google
 

Sa kagustuhan ni Gary na gumaling si Jo, pilit nitong pinapainom si Jo ng mga gamot na maaaring makasama sa ipinagbubuntis nito.


Todo bantay naman sina Flor dahil alam nilang hindi pwedeng uminom ng kahit na anong gamot ang Tita Jo nila dahil makakaapekto nga ito sa magiging future kapatid nila. Dahil dito ay pinagbawalan sila ni Brigida na makapasok sa kwarto ni Jo.

Ngunit sadyang makukulit ang mga bata. Gumawa sila ng paraan para malaman kung anong gamot ang ipinapainom sa kanilang Tita Jo. Nasalisihan nila ang nurse na nangangalaga kay Jo, at nakuha ni Wilma ang pangalan ng gamot na iniinom nito.




Sa tulong ng mga nursing students na sila JC at Annie ay natuklasan nilang ang gamot na iyon ay isang anti-depressant, at ang isang side-effect nito ay makakasama sa puso ng batang ipinagbubuntis ng iinom nito. Labis silang nabahala sa natuklasang ito.


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!