Google
 

Matatapos na nga ang SineSeryeng Hiram na mukha. Nakuha ni Morita ang mga files ni Hugo, at ginamit niya itong pang-black mail upang mapasa-kanya si Hugo.








Isang araw ay nagkaroon sila ng date, at habang nasa labas sila ni Morita ay nagpautos si Hugo upang kunin ang mga files sa apartment ni Morita, kaya nung makuha na ang files ay iniwan nito si Morita, dahil wala na itong panghahawakan laban sa kanya.

Kinausap naman ni Hugo si Rose tungkol sa pangungulit nito sa paghingi kay Alicia (Carissa) ng Power of Attorney para sa mga pag-aari ni Dr. Pedrosa. Kinausap din ni Hugo si Carissa na huwag nang makialam lalo na kapag tungkol sa business.




Samantala sa launch ng product na ieendorse ni Carissa, isang pasabog ang inihanda ni Morita. Isang malaking picture ni Carissa nung siya ay mukha pang unggoy ang nakadisplay sa may stage. Abangan natin sa susunod na episode ang iba pang detalye.


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!