Google
 

Sobrang seloso pala itong si Hugo. Kaya naman pala kinuha niyang driver at bodyguard ni Alicia (Carissa) si Mendez ay dahil sa naiirita (daw) itong si Carissa kay Mendez, at malabo daw na magkaroon sila ng ugnayan. Hindi lang alam ni Hugo na may dati silang relasyon.



Pero mukhang nagdududa na itong si Mendez sa mga ikinikilos ni Alicia. Isang beses ay nakita niya itong nakatalikod at may talukbong. Inakala niya itong si Carissa, ngunit nagulat siya ng humarap ito at si Alicia pala.




Isang gift-giving ang ini-sponsor nila Alicia sa mga orphans. Nandun din si Mendez, at nakita niyang gustung gusto ni Alicia ang turon, at mga lutong saging. Lalo itong nagduda at naalala niya si Carissa. Si Carissa naman, inuunti-unti na niya ang paglabas ng kanyang lihim kay Mendez.










0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!