Google
 

Isa pang parusa para sa mga housemates na umihi sa garden dati ay ang hindi pag-gamit ng CR sa loob ng bahay ni kuya. Kaya sa arinola lang sila pwede dumumi at umihi. May make-shift na CR sa labas ng bahay na isang maliit na cubicle na gawa sa malong or kurtina if i'm not mistaken. Tuwang tuwa si Bruce kay Nel habang si Nel ay hirap na hirap dumumi sa arinola.





Nagkaroon ng radio interview ang mga balik bahay housemates. Sari-saring tanong tungkol sa love life ang pinagkwentuhan nila. Parehong type ni Ziek at Kian si Gee-ann. Ang radio interview na iyon ay ipinarinig din ni kuya sa mga regular housemates. Siyempre pa kilig na kilig naman si Bruce dahil muing sinabi ni Wendy na mahal niya si Bruce.



Nagkaroon ng isang task ang mga housemates kung saan may mga singsing sa ilalim ng swimming pool. Iaalay ng mga lalaking housemates ang singsing sa babaeng housemate na gusto nila. Apat lang ang babaeng housemates - si Bea, Gee-ann, saicy at Nanay Yen, pero lima ang lalaki - si Nel, Robert, Mickey, Bodie at Bruce. Inalayan ni Robert si Saicy, si Bodie naman ay si Gee-ann, si Mickey ay si nanay Yen, si Nel naman ay si Bea, samantalang si Bruce, dahil wala naman si Wendy ay sa pool niya ito hinagis.










Inutusan naman ni kuya si Wendy na sumisid din at hanapin ang singsing sa mga kabibe na nasa ilalim ng swimming pool. Nakita ito ni Wendy, at sa confession room ay ipinakita ni kuya ang video kung saan inialay ni Bruce ang singsing na iyon kay Wendy at inihagis sa pool.





0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!