Google
 

Si Bodie pala ay may kakaibang ingroan sa kanang paa. Sideways ang tubo nito, kaya kailangan ang regular na pag-trim. Ngunit dahil nga nasa loob siya ng bahay ni kuya, napabayaan niya ito, at namaga na nga ito. Kailangan pang i-surgery upang matanggal ang buong kuko.


Hmm... mukha ba silang sweet? Actually itong si Wendy ay cold na kay Bruce simula ng kinausap siya ni kuya. Nahahalata ito ni Bruce at siya ay nababahala. Tuluyan na nga kayang mag-fade ang kanilang relasyon?


Sayang nga lang at hindi ko nakuhanan ng picture, kasi pati ako ay nagulat. Grabe, may tulo sa bahay ni kuya! Oo, dahil sa malakas na buhos ng ulan nung Martes ay may tumulong tubig mula sa kisame sa loob mismo ng bahay ni kuya. Ay naku, palpak ang gumawa ng bahay ni kuya.




Read more of this article

Matapos ang maraming pagsusulit, sina Thalon at Mythos na nga ang mga bagong Rounin ng Lumeria na papalit kina Juris at Creon. Labis na ikinasama ng loob ni Naya ang hindi pagkapanalo ni Selene, dahil matagal na niyang pangarap na maging Rounin ang kanyang anak.










Read more of this article

May umalis, may bumalik - Sa pagkamatay ni Agnes, siya namang pagbalik ni Ceding sa bahay nila Ariston. Isang welcome committee ang ihinanda ni Moody (dalawa lang sila actually hehe).

Hindi lang si Ceding ang bumalik ng bahay, pati si Noel ay umuwi galing Australia nang mabalitaang namatay na ang kanyang Tita Agnes. Kandahulog naman sa hagdanan si Melanie dahil sa burst of emotions.












Hindi pa man sila nakakabawi sa pagkamatay ni Agnes, isang trahedya ulit ang kanilang haharapin - Ang pagkamatay ni Ariston. Nabangga si Ariston ng isang trak sa biglang pagtawid nito, na ikinasawi niya. Aaminin na sana ni Ariston ang totoong pagkatao ni Noel.














Read more of this article

Tinulungan ng babaeng nagligtas kay Leo na itakas siya dahil may hindi magandang balak ang kanyang ama dito.


Samantala, bilang isang magandang gesture sa mga bata, pinalaya na ni Gary sina Mang Tibor, ngunit may restraining order na bawal silang lumapit kina Flor.



Sinabi ni Gary sa mga bata na pinalaya na niya sina Mang Tibor dahil sa pagmamahal sa kanila, ngunit hindi naman kumbinsido ang mga bata.


Nakarating na si Leo sa bahay nila General Torres upang makahingi ng tulong. Gusto din niyang makita ang kanyang pamilya.



Samantala, isa pang rebelasyon ang naganap nang marinig ni Wilma ang usapan nila Brigida at Flor tungkol sa totoo niyang pagkatao. Labis na ikinasama ng loob ni Wilma ang malamang ipinampalit lang siya sa sanggol ni Jo na namatay sa kapabayaan ng kanyang mamita.




At dahil sa labis na sama ng loob, lumayas ito ng bahay. Nag-iwan naman ito ng note kay Flor bilang pasasalamat sa kabutihan na ipinakita sa kanya at sa pagturing na parang tunay na kapatid.






Read more of this article


 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!