Nagmakaawa sina Noel at Cynthia kay Melanie na huwag ituloy ang balak nitong itulak si Ernest. Lumuhod pa ang mga ito sa harapan ni Cynthia. Mukhang naawa naman si Cynthia dahil pinakawalan niya si Ernest at hinayaang makapunta sa kanila. At dahil sa labis na pagmamahal nito kay Noel, kaysa habangbuhay siyang nasasaktan marahil ay pinili na lang nito ang magpakamatay. Tumalon si Cynthia, bago pa man siya mahulog ay nasalo pa siya ni Noel (ang bilis in fairness). Dito ay nakapag-i love you pa si Cynthia kay Noel, bago pa man nito pinilit na makawala sa pagkakahawak ni Noel. Tuluyan na ngang nahulog si Cynthia mula sa mataas na building na iyon.
As always, isang happy ending na naman ang inihatid sa atin ng ABS-CBN through their Walang Kapalit series. They ended their soap with a verse from Corinthians 13:4-8.
Love is patient, Love is kind,
It does not envy, it does not boast,
It is not proud, It is not rude,
It is not self-seeking,
It is not easily angered,
It keeps no record of wrongs.
Love does not delight in evil,
but rejoices with the truth.
Love always protects, always trusts,
always hopes, always perseveres.
Love bears all things, believes all things,
hopes all things, endures all things. Read more of this article
Dahil pinalayas siya ni Patria ay bumalik si Gillian sa bakuran nila Rose at Mike. Ipagpapatuloy niya ang pagsisilbi sa kanila bilang katulong. Si Andrew naman, dala marahil ng tumitinding pag-ibig sa dalaga, ay dinalhan pa ito ng pagkain. Talaga namang sweet na sweet.
Muling tinanong ni Rose si Mike kung may nangyari at may nangyayari pa sa kanila ni Patria. Ang tanging sagot ni Mike ay hinihingi niya ang pagtitiwala mula kay Rose. Isang sarcastic na paismid lang ang ganti ni Rose nang marinig ang salitang "trust".
Nakalabas na ng ospital si Mike. Si Rose lang ang walang gana nang makita si Gillian na naglilingkod sa loob ng bahay. Ngunit sa kaibuturan ni Rose ay naroon pa rin ang malasakit niya sa bata, yun nga lang ay kapag nakikita niya si Gillian ay si Patria ang pumapasok kaagad sa isip niya, kaya nadadamay si Gillian.
Kinausap ni Mike si Gillian at siya na ang humingi ng dispensa sa mga ikinikilos ni Rose sa kanya. Naiintindihan naman ni Gillian ang sitwasyon.
Samantala ay nagkaroon na naman ng diskusyon sina Patria at Tina. Hindi naiwasang banggitin ni Tina ang salitang bugaw dahil sa sitwasyon nila ngayon, na kung naroon daw ang Ate Gillian niya ay siguradong ibubugaw niya ulit. Isang sampal ang ibinigay ni Patria kay Tina. Nabanggit tuloy niya ang sikretong malasakit niya kay Gillian. Narinig ito ni Boy at natuwa dahil kahit papaano pala ay may malasakit ang kanyang ina sa ate Gillian niya.
Isang pagkakataon habang kumakain ang mag-anak na Angeles ay napasok sa usapan nila ang tungkol kay Gillian, at ang kagustuhan nitong mag-aral. Hindi sang-ayon si Rose dito dahil marami daw itong kailangang gawin at hindi maaasikaso ang pag-aaral.
Nang dalawin ni Boy ang kanyang ate ay binanggit nito ang mga magagandang salita ng kanilang ina para kay Gillian. Ngunit hindi na ganoon katindi ang malasakit ni Gillian para sa ina, makaraan ang mga nangyari.
Read more of this article
Subscribe to:
Posts (Atom)