Google
 

Siguro ay nakapag-isip isip si Noel kaya naman nang nagkaroon sila ng pagkakataon ay kinausap niya si Ceding. Di naglaon ay nagkaayos na ang dalawa, at sa unang pagkakataon ay tinawag niya itong "inay". Natapos din ang matagal na pagtitiis ni Ceding bilang katulong ni Noel. Ngayon, alam na ni Noel at tanggap na siya ang kanyang ina.









Samantala ay ipinaubaya na ni Victor si Ernest kay Melanie. Aalis na lang siya at magaabroad. Wala namang masabi si Melanie kay Victor kungdi ang magpasalamat. Binilin na lang ni Victor na alagaan si Ernest.





Muling kinausap ni Melanie si Noel tungkol sa usapan nila ni Cynthia. Nagmakaawa siya kay Noel at sinabing para na rin ito sa kanilang anak upang kilalanin silang magulang. Hindi maintindihan ni Noel kung bakit ganun na lamang ang desisyon ni Melanie.


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!