Google
 

Dahil pinalayas siya ni Patria ay bumalik si Gillian sa bakuran nila Rose at Mike. Ipagpapatuloy niya ang pagsisilbi sa kanila bilang katulong. Si Andrew naman, dala marahil ng tumitinding pag-ibig sa dalaga, ay dinalhan pa ito ng pagkain. Talaga namang sweet na sweet.




Muling tinanong ni Rose si Mike kung may nangyari at may nangyayari pa sa kanila ni Patria. Ang tanging sagot ni Mike ay hinihingi niya ang pagtitiwala mula kay Rose. Isang sarcastic na paismid lang ang ganti ni Rose nang marinig ang salitang "trust".




Nakalabas na ng ospital si Mike. Si Rose lang ang walang gana nang makita si Gillian na naglilingkod sa loob ng bahay. Ngunit sa kaibuturan ni Rose ay naroon pa rin ang malasakit niya sa bata, yun nga lang ay kapag nakikita niya si Gillian ay si Patria ang pumapasok kaagad sa isip niya, kaya nadadamay si Gillian.




Kinausap ni Mike si Gillian at siya na ang humingi ng dispensa sa mga ikinikilos ni Rose sa kanya. Naiintindihan naman ni Gillian ang sitwasyon.





Samantala ay nagkaroon na naman ng diskusyon sina Patria at Tina. Hindi naiwasang banggitin ni Tina ang salitang bugaw dahil sa sitwasyon nila ngayon, na kung naroon daw ang Ate Gillian niya ay siguradong ibubugaw niya ulit. Isang sampal ang ibinigay ni Patria kay Tina. Nabanggit tuloy niya ang sikretong malasakit niya kay Gillian. Narinig ito ni Boy at natuwa dahil kahit papaano pala ay may malasakit ang kanyang ina sa ate Gillian niya.




Isang pagkakataon habang kumakain ang mag-anak na Angeles ay napasok sa usapan nila ang tungkol kay Gillian, at ang kagustuhan nitong mag-aral. Hindi sang-ayon si Rose dito dahil marami daw itong kailangang gawin at hindi maaasikaso ang pag-aaral.




Nang dalawin ni Boy ang kanyang ate ay binanggit nito ang mga magagandang salita ng kanilang ina para kay Gillian. Ngunit hindi na ganoon katindi ang malasakit ni Gillian para sa ina, makaraan ang mga nangyari.


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!