Google
 

Buo ang pasya ni Mike na huwag sabihin kay Rose na si Patria ang babaeng nasa litrato, kahit na hindi sang-ayon dito si Andrew.


Nagkausap ang mag-inang Rose at Andrew. Alam na ni Rose ang ginagawang pag-black mail ni Minerva, pati ang pagbabayad dapat ni Mike ng 5 million upang huwag nang lumaki ang issue, at naiintindihan naman ito ni Rose, kahit na nasaktan pa siya.







Dinalaw nila Mike at Bernardo sa ospital si Patria upang bayaran ang iba pang bills. Sa pagdalaw na iyon ni Mike kay Patria ay inamin nitong mahal pa din niya si Mike. Wala silang alam na nakikinig pala sa labas si Bernardo, at labis itong nasaktan sa narinig.









Isang flashback kung paano nagkakilala sina Bernardo, Patria at Mike: Isang araw ay nasiraan ng sasakyan sina Mike at driver niya noon pa man na si Bernardo. Tiyempong sa bar nila Minerva ito huminto. Lumabas ng bar si Patria at doon ang unang pagkikita nila ni Mike. Niyaya niya ito sa loob at nagkakwetuhan. Si Bernardo naman ay nagkagusto kay Patria. Lagi niya itong dinadalaw. Si Patria ay may gusto kay Mike kahit alam niyang may girlfriend na ito noong panahon na iyon (si Rose). Nung nagpa-stag party si Mike ay may nangyari sa kanila ni Patria. Si Bernardo, ginamit ang pagtingin na iyon ni Patria upang mayaya itong magpakasal. Sa pagpapakasal nila na iyon ay mapapalapit si Patria kay Mike dahil titira sila sa compound nila Mike, kaya pumayag si Patria na magpakasal kay Bernardo.









Tinext naman ni Andrew si Carla upang makipagkita. Si Minerva naman ay tuloy pa rin ang planong pag-black mail kay Mike.


Binigyan ni Mike ng pera si Bernardo. Gusto nitong lumipat na sila upang hindi na sila pa magambala ni Rose.


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!