Google
 

Dahil hindi naasikaso ni Andrew, walang pagkain ang party na hosted ng kanyang ama. Alalang alala na si Rose at si Emma ay natataranta na. Si Mike naman ay galit na galit.



Habang nagkekwentuhan sina Gillian at Mark ay napansin ni Carla ang mga tingin ni Andrew kaya niyaya niya ito sa labas. Dito sila nagkakwentuhan tungkol sa kanilang mga magulang. Nakita sila ni Gillian sa labas na nag-uusap, at nahuli pa niya na pahaplos haplos pa si Carla kay Andrew. Parang ay kakaiba siyang naramdaman sa nakita, nagseselos ba siya? Napansin ni Mark ang tingin na iyon ni Gillian kina Andrew.








Bago umuwi sina Mark at Andrew ay isang yakap ang ibinigay ni Gillian kay Mark. Nagseselos na si Andrew kaya nagsusungit na tinawag nito si Mark.



Disappointed ang tatay ni Trish sa party dahil sa hindi maayos na preparations. Lalong napahiya si Mike. Kaya ganun na lamang ang suntok at bugbog ang inabot ni Andrew nang makauwi ito. Una ay hinarang siya ni Bernardo dahil alam niyang galit na ang ama ni Andrew. Ngunit sinigawan siya ni Andrew. Pagpasok ay suntok ang sumalubong kay Andrew mula kay Mike. Lumayas si Andrew natapos iyon.











Nagalit din si Emma sa anak niyang si Mark dahil hinihintay siya ni Trish.







Samantala sa kakahanap ni Boy sa kanyang kapatid ay nalaman niyang ibinugaw siya ng kanilang ina. Galit na pinagbantaan ni Boy ang inabutan niyang ama sa bahay.




0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!