Google
 

Nagagalit si Cynthia dahil nadadawit siya sa kaso ni Melanie. Hinahamon naman siya ng kanyang asawang si Victor kung talagang wala ngang dapat ikadawit si Cynthia.





Si Vanessa naman, dahil sa awa kay Melanie, gustong tumestigo kampi kay Melanie. Siya ang magpapatunay na mabuti ang mga intensyon ni Melanie at hindi niya magagawa ang ipinaparatang sa kanya.



Nang umupo na sa witness stand si Vanessa ay galit na galit ang mga magulang nito sa kanya. Mas kinampihan pa daw nito si Melanie kasya ang kapatid nitong napatay. Ngunit wala naman daw dapat ikabahala sila ayon sa kanilang abogado.






Sumunod na umupo kinabukasan si Elaine sa witness stand. Gusto niyang sirain ang credibility ni Melanie sa pagsabing madalas sila Melanie at Ronald sa lugar (pinagbarilan kay Ronald) na iyon dahil iyon ang kanilang love nest.



0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!