Google
 

Nagmamadaling umalis papuntang Australia ang mag-asawang Victor at Cynthia dala ang anak ni Melanie. Nag-iba din sila ng numbers na ipinagtaka ni Bryan.



Nakarating ang balita sa mga doktor na kinakuntsaba ni Cynthia sa bilangguan. Hindi pa sila nababayaran ni Cynthia kaya galit na galit ang dalawa.



Nalaman ni Miguel kay Bryan ang nangyari kina Noel at Melanie kaya sinubukan nitong muling kausapin si Noel upang magkasundo na sila. Dito nabanggit ni Bryan ang pag-alis nila Cynthia papuntang Australia, na may dala silang sanggol na aampunin. Hindi napigilan ni Noel ang mag-isip, ngunit hindi niya ito binanggit kay Bryan. Sa halip ay kay Yaya Ceding niya ito nabanggit, ang pagkakataong nakapag-ampon ng bata sina Cynthia samantalang namatayan naman sila ng sanggol.







Wala pa rin lead ang abogado nila Melanie sa kinaroroonan ng batang nakasaksi sa mga pangyayari sa pagkakabaril kay Ronald.


Nakalipas ang apat na taon. Si Melanie ay nakabawi na sa mga pangyayari at nagtuturo sa loob ng bilangguan. Si Noel ay walang patid pa rin ang pagdalaw at paglalambing kay Melanie. Wala pa ring alam si Melanie sa mga pangyayari tungkol kay Cynthia at sa pagkakaampon nito ng isang bata.




0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!