Google
 

Dahil sa tawag na iyon ni Minerva kay Rose ay sinubukan kausapin ni Rose si Mike kung may inililihim nga ito sa kanya, na diretsahan namang itinanggi ni Mike. Sumama ang loob ni Rose kay Mike, ngunit nilambing naman siya ni Andrew kaya kahit papaano ay nawala naman ito kagad. Sumunod sila sa celebration nila Mike sa pag-close ng deal kay Mr. Enriquez.


Matapos ang operasyon ni Patria ay maaari na itong makalabas ng ospital.




May maitim na plano naman si Minerva kay Mike dahil sa pagkakaraid ng kanyang bar. May iniwan siyang litrato sa kotse ni Mike, na nakita naman ni Andrew. Agad niya itong itinago upang hindi makita ni Rose.









Binura ni Andrew ang marker na nagtakip ng mukha ng babae sa litrato na iyon, hindi ipinakita kung sino iyon, pero ayon sa commercials ay si Patria ito.

Kinaumagahan ay good mood si Mike at nakipag-ayos kay Andrew tungkol sa nangyaring aberya noon sa catering. Sinabi nito na ikinwento ni Gillian ang mga nangyari at proud si Mike sa ginawa na iyon ni Andrew.



Pinuntahan naman ni Andrew si Gillian upang magpasalamat. Nagkaroon ng mga harutan moments ang dalawa at nakita iyon ni Mark, na nakaramdam ng selos. Pagkakita ni Andrew na nakatingin sa kanila si Mike ay umalis ito, ngunit siya naman ang nagselos sa ipinakitang pag-care ni Mark kay Gillian.











0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!