Google
 

Marahil ay naguguilty na si Patria sa kabaitan ni Gillian sa kanya, kaya tuwang tuwa si Gillian nang tanungin siya ni Patria kung gusto niyang mag-aral. Isang matamis na ngiti lang ang ipinakita ni Gillian.
Gumagawa ng commercial sina Trish at Mark. Pilit na pinaglalapit ni Emma ang kanyang anak kay Trish, at si Trish naman ay alam na may ibang mahal itong si Mark. Kaya nang nahihirapan sa eksena itong si Mark, sinabi ni Trish na isipin niya yung taong mahal niya. Gumana naman ang planong iyon ni Trish at nagawa nila ng tama ang eksena sa commercial.



Naiwithdraw na ni Mike ang perang ipambabayad kay Minerva. Itinimbre naman kaagad ni Bernardo sa kanyang mga kakilala ang oras at lugar ng bigayan ng pera.


Nang gabing iyon ay lalakad na si Mike upang makipagkita kay Minerva. Tinanong siya ni Rose kung saan pupunta, ngunit nagsinungaling ito at sinabing may emergency meeting. Kinausap ni Andrew ang kanyang ama upang tumawag ng back-up, pero ayaw ni Mike na may iba pang makaalam ng kanilang gagawin. Duda si Andrew na baka may mangyaring hindi inaasahan.



At katulad nga ng pinangangambahan ni Andrew, nagkaroon ng engkwentro ang mga utusan ni Bernardo at ang mga bantay ni Minerva. Nagkaroon ng barilan at naipit sa gitna si Mike kaya nahagip siya ng mga bala. Naroon si Carla at kitang kita niya ang buong pangyayari.





Nag-aalala naman na si Rose dahil isang oras ang nakalipas at hindi pa umuuwi si Mike. Dito ay inamin ni Andrew na makikipagkita ang kanyang ama kay Minerva upang magbayad ng 5 million pesos. Habang naguusap ang dalawa ay siya namang pagtawag ni Bernardo upang sabihing nabaril si Mike at dadalhin niya ito sa ospital.





Pinuntahan naman ni Carla si Gillian upang ipaalam ang nangyari. Dito na rin sinabi ni Carla ang tungkol sa pagkakaroon ng nakaraan ng kanyang kinagisnang inang si Patria at si Mike.


Malala ang lagay ni Mike, at duda si Andrew na may kinalaman si Bernardo dito. Kaya galit na kinausap nito si Bernardo at sinabing sana ay siya na lang ang nabaril. Nasaktan naman si Bernardo sa sinabing iyon ni Andrew at sinabi sa sariling sana ay siya na nga lang ang nabaril kaysa marinig ang sinabing iyon ng kanyang anak.






0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!