Google
 

After four years sa Australia ay babalik na ng Pilipinas sina Cynthia at Victor, kaya naman inayos na ni Bryan ang bahay nila Cynthia. Ngunit sa pagaayos nila ay may nakita siyang maaaring makapagbago ng buhay nila Cynthia at Melanie: isang blanket na may dugo at may imprentang "Bureau of Corrections". Ito ang pinagbalutan ng sanggol ni Melanie na ibinigay kay Cynthia.





Samantala ay magpapakasal na sina Vanessa at Miguel. Nagpaalam na si Vanessa kina Ceding, sa mga magulang niya, at kay Melanie, na binigyan naman sila ng basbas at pahintulot.







Nakita naman ni Ceding ang birthday celebration ng inampon nila Cynthia at Victor. Nagulat siya dahil napansin niya ang pagkakahawig ng bata kina Melanie at Noel. Kaagad niya itong sinabi kay Noel. Birthday din sana ng anak nila Noel. Nag-isip ang dalawa na maaaring may kinalaman si Cynthia sa anak nila Noel at Melanie.







Dahil dito ay pinuntahan ni Noel ang bahay nila Cynthia. Nakita nga niya ang bata, at hindi niya mapigilang titigan ito. Pinapasok siya ng bahay ni Victor, na noon ay hindi pa dumarating si Cynthia.




Pagdating ni Cynthia ay umakyat ang mag-amang Victor. Naiwan sa sala sina Noel at Cynthia. Dito hindi napigilan ni Noel na kumprontahin si Cynthia. Nagalit naman si Cynthia dahil nagbibitang si Noel, at sinabing nag-aasal baliw si Noel, kaya umalis na lang ang huli.


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!