Google
 

Bumalik na nga ng Pilipinas si Mito upang asikasuhin ang kanyang itatayong restaurant. Ngunit may problema dahil ang lupang kinatatayuan ng kanyang restaurant ay binabawi na.


Kinausap naman ni Ysay si Andrew (Albert) upang sabihing gusto niyang makipag-partner sa negosyo nito. Sinabi niyang hindi niya tinanggap ang offer abroad. Ngunit tinanggihan siya ni Albert nung una. Pinilit siya ni Ysay at sinabing pagbigyan kahit dalawang buwan lang. Kalaunan ay pumayag na rin si Albert.



Talagang gusto ni Albert na mahulog ng husto ang loob ni Ysay sa kanya. Kaya lahat ng uri ng lambing at patutsada ay ginagawa nito.


Pinuntahan naman ni Alex si Tere sa Manila upang pagusapan ang pagsali niya sa banda. Sinabihan siya ni Tere na magstay sa Manila dahil malayo ang inuuwian ni Alex.


Abangan ang pagpasok ng character ni Angelica Panganiban.




0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!