Google
 

Sinisigurado ng attorney ni Melanie na isang putok lang ang ginawa ni Melanie kay Ronald nung gabing iyon. Ayon sa nakita sa autopsy ay dalawa ang gunshot sa katawan ni Ronald, ang una ay hindi fatal at ang sumunod na putok ang nakapatay kay Ronald. Isa itong matibay na panghahawakan ng kampo nila Melanie.


Nalaman ni Bryan ang tungkol sa anggulong iyon dahil na rin kay Noel. Tinanong niya ito kay Cynthia na syempre pa ay hindi umamin. Kaya pinagpayuhan niya ang mag-asawa na umalis na ng Pilipinas dahil siguradong madadawit sila sa kaso ni Melanie.




Dahil dito ay galit na nilusob ni Cynthia si Melanie sa kulungan.



At nagsimula na ngang dinggin ang kaso laban kay Melanie. Isa isang nagsalita ang taga kampo ni Ronald: ang kanyang ina, ama, at pati na rin si Cynthia, na nung una ay ipagtatanggol si Melanie ngunit ngayon ay kalaban na rin.










0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!